VP Robredo na-aalarma sa hospital admissions data ng COVID-19

Ikinaalarma ni Vice President Leni Robredo ang hospital admissions data ng coronavirus disease sa bansa.

Sa datos aniya ng Department of Health (DOH), 275 lamang ng 1,048 critical COVID-19 cases ang naoospital buhat September 11.

Lumalabas na 773 critical coronavirus cases naman ang hindi nadadala sa ospital.

Kasama na rin dito ang 149 sa 702 severe COVID-19 cases na hindi na-confine sa ospital.

“Noong lumabas iyong naunang datos, parang more than 50 percent sa mga namatay, namatay na wala sa ospital. So gustong sabihin, baka kung nakatanggap sana ito ng tamang medical intervention, baka hindi sana namatay,” lahad ni Robredo.

”So maraming tanong, bakit ganito? Mayroong pagkukulang iyong protocols natin, kasi iyong ating target naman from the very start na at least iyong severe saka critical ay nasa ospital dapat.”

“Sana mas i-pursue natin ito, tingnan natin bakit wala sila sa mga ospital. Iyong mild saka asymptomatic, naiintindihan natin na hindi sila admitted sa ospital, pero sana maging target na iyong critical saka severe ay nakakatanggap ng medical help,” daing pa ni Robredo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.