VP Robredo na-expose sa COVID

Naka-quarantine si Vice President Leni Robredo matapos na ma-expose sa taong positibo sa COVID-19 noong nakaraang linggo.

Pero aniya, balik-opisina na rin siya ngayong Lunes matapos na magnegatibo sa RT-PCR test.

“Maswerte pa rin ako na kahit na-e-expose, nagne-negative naman at yung opisina istrikto pa rin sa quarantine protocols,” saad ni Robredo sa kanyang Sunday radio program.

“So, bukas balik na tayo sa opisina.”
Matatandaang Abril nang sumailalim din sa quarantine si Robredo matapos na magpositibo sa COVID-19 ang kanyang bodyguard.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.