VP Robredo na kasalukuyang naka- quarantine, hangad ng Palasyo na maayos ang lagay

Wishing her good health.

Ito ang mensahe ng Malacañang para kay Vice President Leni Robredo na ngayo’y naka-self quarantine.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang hangad ng Palasyo ay maging maayos at manatiling malusog ang pangangatawan ni Robredo.

Ito’y makaraang makasalamuha ng Bise Presidente ang isang pasyente na nagpositibo sa COVID-19.

Bukod kay Robredo, naka-quarantine din ang kanyang staff na si Undersecretary Philip Dy.

Kaugnay nito’y kanselado na ang una nang naitakdang pagbisita sana ng Pangalawang Pangulo sa Lucena, Quezon, at Caloocan City ngayong linggo dahil na rin sa pagsasailalim nito ngayon sa 14-days quarantine.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.