VP Robredo, nababahala sa high level ng frustration na nararanasan sa Cebu City

Nakararanas ang mga residente ng Cebu City ng ‘high level of frustration’ sa kakulangan ng istratehiya ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 kasabay ng patuloy na tumataas na kaso ng virus, batay kay Vice President Leni Robredo.

Giit ng bise, ito ang natanggap na ulat ng kanyang grupo makaraan ang anim na araw.

“Iyong level of frustration, mataas. Ito iyong [reports na] natatanggap namin. Parang mas naghahanap…hindi naman ito actually reklamo sa mga ospital, pero reklamo sa nangyayari in general—na parang naghahanap sila ng mas defined na plano,” saad ni Robredo.

“Parati ko itong inuulit-ulit, na mahalaga na nako-communicate sa tao kung ano iyong plano, para mas maging hopeful siya. Kasi kapag ang tao nakikita niya na walang direksyon, walang plano, mas natatakot siya. Mas natatakot siya para sa sarili niya, mas natatakot siya para sa pamilya niya,” dagdag pa nito.

Lahad pa ni Robredo, nababahala ang mga Cebuano dahil sa nasisisi sila sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 at pag-aresto ng mga nakakalat na Special Action Forces.

“Kasi ‘di ba, halimbawa ngayon, pataas nang pataas iyong kaso. Kapag hindi alam ng tao kung bakit nangyayari ito, hindi alam ng tao kung ano ba iyong plano ng pamahalaan para masugpo iyong pagtaas ng kaso, hindi talaga siya kampante eh,” pahayag ni Robredo.

“Kung ang impression kasi nila, ‘Ang gulo-gulo doon, iyong mga doktor nga doon, grabe na iyong reklamo, bakit pa ako pupunta?’,” Robredo said.

“Kaya ito talaga, kailangang ipakita na magiging worthwhile kung pupunta sila,” giit pa nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.