VP Robredo, nabakunahan na kontra COVID-19

Nabakunahan na kontra COVID-19 si Vice President Leni Robredo.

Ngayong araw, tinurukan si Robredo ng unang dose ng AstraZeneca vaccines sa Quezon City.

Batay sa vaccination card ng pangalawang pangulo, kabilang ito sa A3 Category o people with comorbidities.

Kasabay naman ni Robredo na nagpabakuna ang kanyang labing walong staff na lahat ay kabilang sa A3 priority group.

NCR at 8 iba pang lugar, inaasahang maaabot ang COVID-19 herd immunity sa Nobyembre

Inaasahan na makakamit ng Pilipinas ang herd immunity laban sa COVID-19 sa Metro Manila at walo pang lugar sa bansa sa Nobyembre.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, isinusulong ng DOH na makapagbakuna ng 108,000 indibidwal kada araw sa National Capital Region, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga, Rizal, Metro Cebu at Metro Davao kapag dumating ang marami pang bakuna.

Ani Cabotaje, nanatiling umaasa ang Pilipinas sa global supply ng COVID-19 jabs ngunit tiwala ang DOH na maraming bakuna ang darating sa second half ng taon.

Sinabi rin ni Cabotaje na plano ng gobyerno na buksan ang inoculation program sa mga manggagawa sa essentials industries at indigent people sa NCR at kalapit probinsya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.