VP Robredo nagpasalamat sa mga sumuporta sa lugaw drive sa kanyang kaarawan

Pinasalamatan ni Vice President Leni Robredo ang kanyang mga taga-suporta na namahagi ng mahigit na 30,000 bowl ng lugaw sa kanyang kaarawan nitong Biyernes.

“Gusto nating maipaalam sa kanila na sobrang appreciated natin ‘yung effort kasi ito pagpapakita ng suporta pero hindi naman talaga nagpopromote ng isang kandidato. Ang natutulungan talaga iyong communities kasi ngayon sobrang grabe ang dami ng nagugutom,” lahad ni Robredo sa radio show nito.

Tinawag ng mga taga-suporta ng bise ang programa bilang “National Lugaw Day” na inayon sa bansag kay Robredo bilang “Lugaw Queen.”

Matatandaang namahagi rin ang bise ng lugaw sa pangangampanya nito noong 2016.

Nagdiwang si Robredo ng kaarawan habang naka-quarantine matapos makasalamuha ang isang close-in security na nagpositibo sa COVID-19.

Dalawang beses nang nagnegatibo sa sakit ang bise ngunit tatapusin pa nito ang 10-day quarantine.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.