VP Robredo nanawagan ng unity ngayong COVID pandemic

Nanawagan ng pagkakaisa o unity si Vice President Leni Robredo sa publiko sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

“Tulad ng Bataan noon, nababalot tayo ng kadiliman ngayon dahil sa pandemya. Marami na sa atin ang nagsakripisyo, ang nagdusa, ang nawalan,” lahad ni Robredo sa kanyang mensahe ngayong Araw ng Kagitingan (Day of Valor).

“Pero paalala rin ang araw na ito: Walang Pilipinong kailangang maging magiting mag-isa. Sama-sama tayo. Tulong-tulong tayo.”

“Sa araw na ito, ginugunita natin ang kagitingan ng mga Pilipinong sundalong lumaban hanggang sa huli at inialay ang kanilang buhay sa ngalan ng ating bayan at kalayaan,” punto ni Robredo.

Sinabi rin ni Robredo na dapat ma-inspired ang mga Pilipino sa pagmamahal ng mga sundalo sa kanilang kasamahan at sa bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.