VP Robredo pumalag sa pinamigay na “anemic spaghetti”

Pumalag si Vice President Leni Robredo sa fake news na namigay umano ito ng “anemic spaghetti” sa isang feeding program sa San Mateo, Rizal.
“Bored lang siguro trolls. Pero kokontrahin ko. Hindi anemic yung spaghetti… It’s actually very, very good… Huwag sana kayong paapekto sa trolls,” giit ni Robredo.

“FYI, hindi po galing sa budget namin yan?? Kami lang nag distribute. Nasa caption naman,” punto pa nito.

Ito ang sagot ng bise sa isang blog ni pro-Duterte blogger RJ Nieto na kilala bilang “Thinking Pinoy.”

Tinama rin ng bise ang sinabi ng blogger na may mahigit 700 milyong badyet ang kanyang tanggapan para sa taong 2021.

“[H]indi na 700M budget namin for 2021. 900M na???? Tinaasan ng Senate dahil sa maayos na paggastos,” paliwanag ni Robredo.

Sagot naman ng Thinking Pinoy na ang P900 milyon ay makokonsidera pa ring “over P700 million.”

Hindi ito ang unang beses na naakusahang ng pagpapakalat ng fake news ang social media post ni Nieto.

Nakasuhan ito ng libel noong 2018 dahil sa akusasyong tinawag umano ni dating US President Donald Trump na drug lord si Senator Antonio Trillanes IV.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.