VP Robredo sa DepEd: “Kung hindi kaya, huwag pilitin buksan ang klase sa August 24”

Umapela si Vice President Leni Robredo on Sunday sa Department of Education (DepEd) na huwag ipilit buksan ang klase sa August 24 kung hindi pa kakayanin.

Sa kanyang radio program, iginiit ni Robredo na dapat maamiyendahan ang batas sa class resumption ng hanggang sa susunod na buwan para mas makapaghanda pa ang departamento at mga guro.

“Ang paki-usap lang natin sa DepEd—ito pinahayag na natin—kung hindi kaya , huwag pilitin,” saad ng bise.

“Walang problema sa content pero ‘yung problema pagsalin ng content para maging appropriate siya for distance learning. So madami pang training na kailangan gawin,” dagdag pa nito.

Sa kabila nito, nagpaalala na ang DepEd sa mga magulang at estudyante na hanggang June 30 lamang ang enrollment.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.