VP Robredo sa Duterte Administrasyon: “Huwag masyadong balat-sibuyas”

Sinabi ni Vice President Leni Robredo sa kanyang radio program na ‘oversensitive’ ang kasalukuyang administrasyon laban sa mga kritisismo.

“Sana huwag masyadong balat-sibuyas,” paalala ni Robredo.

“Panahon ito ng krisis. Hindi ito ordinaryong panahon e. Panahon ito ng krisis na wala tayong espasyo sa pagkakamali kasi bawat pagkakamali ay buhay ang nakataya,” dagdag pa nito.

Giit ni Robredo, mas napapansin ang mga kamalian kaysa sa aksyong ginagawa.

“Totoo na tinitignan ko ‘yung baso na half-empty at ‘yung opisina namin sinusubukang punuin ‘yun. Kasi sa panahon ng krisis hindi natin maa-afford na hindi punuin ‘yung ating mga baso,” paliwanag pa nito.

Dinepensahan din ni Robredo ang usaping namumulitika siya sa gitna ng pandemya.

“Hindi ito panahon ng pulitika…Ngayon lang ako bumoboses. Mula March hanggang ngayon, nagtatrabaho lang kami pero mali naman na hindi ako magsalita kung nakikita akong mali.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.