VP Robredo sa libing ni Baby River: “Para sa akin, parang masyadong overkill”

Naghayag ng pagkadismaya si Vice President Leni Robredo sa aniya’y hindi makataong libing ni Baby River.

“Para sa akin, parang masyadong overkill… Nasaan iyong humanity natin doon, ‘di ba? Sa akin, mga nanay din tayo, mga magulang din tayo. Dapat naiintindihan natin iyong, ‘di ba, iyong complexity ng relasyon,” giit nito.

“Hindi ko talaga maintindihan, kasi parang nawawala na iyong humanity sa atin. Parang totally unnecessary iyong klase ng response na binigay natin,” dagdag ng bise.

Nanatiling nakaposas si Reina Mae Nasino sa libing ng kanyang anak at gwardiyado ng armadong mga pulis.

“Hindi pantay iyong pagbigay ng pag-intindi, hindi pantay iyong pagbigay ng privileges sa mga mayroon kaysa sa wala. Nakikita natin ito. Ang daming personalities na binigyan ng pribilehiyo,” aniya.

Ipinagtanggol naman ito ng Interior undersecretary at sinabing “anticipative” at hindi “overkill.”

“Nasaan iyong compassion, nasaan iyong humanity? Iyon iyong hindi natin maintindihan. Sobrang nakakadurog ng puso tingnan iyong mga litrato,” ani Robredo.

Matatandaang nahaharap si Nasino sa kasong illegal possession of firearms at explosives na itinanggi naman ng kampo nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.