VP Robredo, umaasang magpapatuloy ang pagbaba ng COVID-19 cases

Nagpahayag ng pag-asa si Vice President Leni Robredo sa patuloy na pagbaba ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa mga nakaraang lingo.

“The numbers today, while still high, give us reason to hope,” ayon sa post ng bise sa kanyang Facebook page.

Pinunto din ni Robredo na tama ang paghingi ng mga medical expert ng dalawang linggong Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at sa iba pang karatig probinsya nito.

Binigyang-diin din ng bise ang pagbaba nito ng 10 posyento nitong nakaraang linggo mula sa mas mababa ng limang porsyentong target ng World Health Organization (WHO).

“Kaya din natin maabot ito basta magtulong tulong tayo,” dagdag pa ni Robredo.

Positibo rin ang bise na magpapatuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 upang bumalik na rin ang sigla ng ekonomiya ng bansa.

“Let us also pray fervently that all who are sick and those afflicted by the virus will get well soon and that our frontliners will be cloaked in the mantle of protection,”ani Robredo.

Pinaalalahanan pa rin ni Robredo ang madla na huwag pakampante sa paghupa ng kaso ng COVID-19.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.