VP Robredo wala pang sagot sa alok ni Pangulong Duterte na hawakan ang drug czar

Hindi pa handa si Vice President Leni Robredo na tanggapin o tanggihan ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa kanya ipahawak ang kapangyarihan sa law enforcement para subukang matigil ang problema sa iligal na droga.

watch the video here:

Ayon kay Robredo, hindi niya muna sasagutin ang nasabing hamon ng Pangulo lalo’t hindi pa siya sigurado kung may katotohanan ito.

“Ayaw kong sagutin muna iyon kasi hindi ko alam kung gaano kaseryoso,” sagot ni VP Leni.

Aniya pa, marami na umanong pangako na napako si Duterte kaya para sa kanya, wala umanong bigat ang mga nasabi ni Duterte tungkol sa pagbibigay sa kanya ng kapangyarihan ng anim na buwan para subukang lutasin ang drug problem sa bansa.

“Sa akin kasi, wala nang value iyong maraming sinasabi, dahil alam naman natin na marami nang sinabi in the past, hindi lang dahil—hindi lang tungkol sa akin—na hindi naman naisasakatuparan,” aniya pa.

Matatandaan na hinamon ni Duterte si Robredo na hawakan ang mga kapulisan dahil sa patama nito na hindi umano epektibo ang drug on war ng Pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.