Walong Abu Sayyaf na kasamahan ni ASG Sub-Leader Mundi Sawadjaan, sumuko

Sumuko sa militar ang walong Abu Sayyaf members na kabilang sa grupo ni Mundi Sawadjaan at Radulan Sahiron sa Sulu.

Kinilala ang mga sumuko na sina Abdul Jihili, Abu Yusop, Sahira Sahibul, Ali Jumsa, Piedo Jumahari, Mujib Jainal, Abdul Abubakar at Ila Abbas.

Ayon sa Joint Task Force Sulu, kumalas ang walong terorista kina Sawadjaan at Sahiron matapos sumuko ang sub-leader na si Anduljihad “Idang” Susukan.

Tiniyak naman ni JTF Sulu Chief Brigadier General William Gonzales na magpapatuloy ang kanilang focused military operation hanggang ma-neutralize sina Sawadjaan at Sahiron.

Martes nang matunton ng militar ang kuta sa indanan, Sulu ni Sawadjaan na itinuturong nasa likod ng kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu noong Agosto.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.