Wanted na nagtago ng halos 16 na taon, naaresto sa Pasig

Balik-selda ang isang pugante sa New Bilibid Prison matapos ang halos 16 na taong pagtatago sa mga awtoridad.

Kinilala ng pulisya ang pugante na si Romulo Foster na convicted sa kasong homicide at paglabag sa PD 1866.

Si Foster na miyembro ng Batang Samar Leyte ay tumakas sa Bilibid noong October 22, 2004.

Nahuli si Foster sa manhunt operation sa Greenwoods Executive Village, Pasig City.

Samantala, naaresto naman si Rolando Loyola alyas Eduardo Loyola Jr. ng Nonoy robbery/snatching group sa Sampaloc, Manila.

Ito ay sa bisa ng alias warrant of arrest para sa paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Sinasabing si Loyola ang lider ng Nonoy robbery/snatching group na nag-ooperate sa Manila at kalapit na lungsod.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.