War on drugs ng pamahalaan, “I DID IT FOR MY COUNTRY” – Pangulong Duterte

Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginawa niya lang ang kanyang trabaho sa gitna ng war on drugs ng pamahalaan sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sa mensahe ng Pangulong Duterte sa inagurasyon ng Siargao Island Sports and Tourism Complex at ang Catangnan- Cabitoonan Bridge System, sinabi nitong pinakinabangan ng mga Pilipino ang inilunsad niyang giyera kontra iligal na droga.

Ginawa aniya niya ito para sa bayan gayundin upang protektahan ang mga Pilipino at hindi para sa kanyang kapakinabangan.

Sa kabilang banda’y muling nanindigan ang Pangulo na hindi siya haharap sa International Criminal Court gayung wala aniya itong hurisdiksiyon para sa siyay litisin kaugnay ng umanoy mga paglabag niya sa drug campaign ng gobyerno.

Sa Pinoy na hukom at Pilipinong prosecutor lamang aniya siya haharap habang sakalit siya’y makukulong, sa Muntinlupa sabi ng Pangulo siya magpapakulong at hindi sa dayuhang bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.