WATCH: 10 babaeng foreigners, arestado ng MPD sa isang Bar sa Maynila

Sampung babaeng foreigners ang ARESTADO sa isang BAR sa Malate sa ginawang suprise inspection ng mga pulis. Ang mga nasabing babae ay nagtatratrabaho sa Club ng walang working permit.

watch the video here:

Isinagawa ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team at ng Manila Bureau of Permits ang spot inspection sa Sha-Sha Club na matatagpuan sa San Andres Street kanto ng Adriatico Street dakong alas-9:40 ng gabi.

Sa isinagawang pag-iinspeksyon, nadiskubre na walang mga work permit ang mga Russian na sina Ekaterina Golubeva, 27; Polina Tagunova, 26; Anna Mozharevskaya, 24; Anastasia Bakumenko, 23; Aleksandra Ivanova, 29; Zukhra Akhmedzianova, 21; Alexandra Zivittinsh, 21; Diana Razogreeva, 21; Anna Nikitina, 27, at Ussipbek Kymbat, 24.

Ikinulong sila sa Special Mayor’s Reaction Team detachment at sasampahan ng kaukulang kaso.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.