WATCH: 27 Bucor opisyal sinuspinde ng Ombudsman dahil sa GCTA for sale

Inatas na ni Ombudsman Samuel Martires ang agarang pagsuspinde sa 27 opisyal ng Bureau of Corrections ukol sa pagpapalaya sa 1,900 heinous crimes convicts sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

watch the video here:

Sa anim na pahinang desisyon, sinabi ni Martires na ang mga opisyal ay guilty sa ‘grave misconduct, gross neglect of duty and conduct prejudicial to the best interest of service’ dahil sa kuwestyunableng pagpapalaya sa mga heinous crime convict simula noong 2014.

Kasama naman sa nasuspinde sina documents division officers Chito Roque at Mabel Bancil.

Dahil dito papatawan sila ng anim na buwang suspensyon nang walang bayad.

“The office finds that the evidence in the form of testimonies of witnesses and public documents showing the anomalous release of prisoners convicted of heinous crimes appear to be strong,” anang Ombudsman. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.