WATCH: BRP Conrado Yap, will be the Philippine Navy’s “most powerful warship”

Ang BRP Conrado Yap, isang Pohang-class corvette na donasyon ng South Korea, ay nasa Pilipinas na at nakatakdang ideploy sa Sulu at Palawan Sea.

watch the video here:

Ang BRP Conrado Yap ang magiging “pinakamalakas na barko” ng Philippine Navy dahil mayroon itong mga anti-surface, anti-submarine at anti-air warfare na kakayahan

Isang Chinese frigate ang namataang umaali-aligid sa unang corvette ng Philippine Navy habang patungo ng Pilipinas mula sa South Korea.

Ayon kay Phil. Navy Flag-Officer-in-Command Vice Admiral Robert Empedrad, nag-“shadow” ang naturang barkong pandigma ng China sa BRP Conrado Yap, pero umalis din nang sinabihan sila ng Philippine Navy na papasok na ito sa teritoryo ng bansa.

Ayon kay Empedrad, hindi mag-aatubili ang Philippine Navy na bigyan ng babala ang anumang Chinese vessel na mamataan nila sa loob ng teritoryo ng Bansa.

Mas lalo pa aniya ngayong nasa serbisyo na ang BRP Conrado Yap, na itinuturing na pinakamalakas na barko sa ngayon sa buong Philippine Navy fleet.

Ang BRP Conrado Yap, na isang refurbished pohang-class corvette ng South Korea, ay may dalawang 76-millimeter oto melara cannon, dalawang 40-mm otobreda guns, anti-aircraft guns, anti-surface, anti-submarine, at anti-air warfare capabilities.

Equipped din ito ng dalawang gas turbines para sa bilis, at may kakayahang tumagal ng 20-araw sa karagatan para sa mas epektibong pagpapatrolya.

Ayon kay Empedrad, ang pagdating ng BRP Conrado Yap ngayong araw ay isang makasaysayang okasyon at “morale booster” para sa kanila, dahil sa malaking “impact” ng barko sa kakayahan ng Philippine Navy.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.