WATCH: BuCor Chief Bantag, nagbabala ‘kakatayin ko’ ang mga tiwaling emplayado ng ahensya

Nag-courtesy call sa mga senador si bagong talagang Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag.

watch the video here:

Sa kanyang pagharap sa mga miyembro ng media, pinangako nitong gagawin niya ang lahat para malinis ang BuCor.

Aniya, sa ilang araw niyang pamumuno sa BuCor ay nagkaroon na siya ng ideya sa kalakaran sa loob.

Sa ngayon, ay aminado siyang may bahagya pang resistance siyang nararamdaman mula sa ilang tauhan ng ahesnsya.

Tiniyak rin nitong hindi siya kakagat sa malakas na tukso ng pera sa BuCor.

Giit ni Bantag, laki at sanay siya sa hirap at maaari naman aniyang magkaroon ng pera sa legal na paraan.

Oras aniya na tumanggap siya ng pera mula sa drug lord ay mawawalan na siya ng silbi.

Hiling niya ngayon sa mga senador kasabay ng kanyang courtesy call, ay ibigay sa kanya ang coordination na kailangan sa iba pang mga ahensya ng gobyerno para tuluyang malinis ang BuCor.

Tiniyak naman ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na suportado at ibibigay nila lahat ng kailangan ni Bantag at ng BuCor.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.