WATCH: BuCor Chief Nick Faeldon, ”nanindigang hindi magbibitiw sa puwesto”

Nanindigan si Bureau Chief Nicanor Faeldon nitong Lunes na hindi siya magbibitiw sa kanyang puwesto.

watch the video here:


Tinanong si Faeldon ni Sen. Risa Hontiveros sa ginawang senate hearing nitong Lunes kung mag-reresign ba siya sa puwesto at ang sagot niya ay “I believe no, ma’am” sa senadora.


Naniniwala rin si Faeldon na ginagawa niya ng tama ang kanyang trabaho ngunit sinalungat ito ni Hontoveros.
“So far, ang lumalabas sa committee hearing na ito would point to the opposite direction.” ani senadora.


Kinastigo rin ni Hontiveros ang BuCor Chief sa pagpalya nito na ipaalam sa mga naging biktima ng krimen ang pagpapalaya sa mga presyo.


Iginiit din ni Faeldon na hindi nila binago ang pagpapatupad ng nasabing batas simula ng mailabas ang implementing rules and regulation nito (IRR) noong 2014.


“That’s why in their computation… all convicted of any crime when they behave well in jail, they were granted GCTA,” ani Faeldon.


“You will notice that not a single PDL (persons deprived of liberty) has not been denied in whole of GCTA,” dagdag pa niya.


Samantala, kinumpirma rin niya na 3 convicts na sangkot sa rape-slay ng Chiong sisters ang nakalaya na.


“Have they been released?” tanong ni Sen. Lacson sa kanya.


“Yes, your honor,” sagot naman ni Faledon.


Ayon kay Sen. Lacson, nilagdaan nila ito ni Corrections Technical Chief Supt. Maria Fe Marquez, Director of the Directorate for Reformation atHead of the Management, Screening & Evaluation Committee at kinumpirma naman ito ni Marquez.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.