WATCH: Bucor Dir Gen Nicanor Faeldon nagsalita na, Antonio Sanchez di papayagang makalabas ng kulungan

Nilinaw ni BuCor director general Nicanor Faeldon , ang pagkakulong ng dating si Calauan Mayor Antonio Sanchez ay maaaring hindi maging kwalipikado para palayain, habang hinihintay ang pagsusuri ng kanyang good conduct time allowance.. Nabanggit niya ang mga pagkakataon kung saan natagpuan ang mga drugs at kontrabando sa kanyang cell.

watch the video here:

Hindi pa lusot sa parusang reclusion perpetua si Calauan, Laguna, Mayor Antonio Sanchez. Taliwas sa mga lumalabas na ulat na kasama ito sa mga kwalipikadong preso na makikinabang sa Republic Act 10592 o ang batas na nagaamyenda sa ilang probisyon sa ‘Good Conduct Time Allowance o GCTA’ ng mga convicted prisoner.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, masinsinang pagrebisa ang gagawin sa GCTA records ni Sanchez.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit posibleng hindi makasama ang dating alkalde sa mga kwalipikadong preso.

Ilan kasi aniya sa mga pagbabasehan ng good conduct ni Sanchez at ng iba pang preso ay ang paguugali nito sa loob ng kulungan, pagsunod sa mga patakaran at maging ang mga educational undertaking nito habang nasa loob ng kulungan.

Matatandaan na noong 2006 ay napaulat na nahulihan ng shabu sa selda si Sanchez at isa rin ito sa mga sinasabing nagbubuhay hari sa loob ng kulungan kung saan naka-aircon ang kubol nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.