WATCH: Enrile wants De Lima, Roxas to be banned from seeking public office for GCTA mess

Naniniwala si dating Senator Juan Ponce Enrile na dapat panagutin sina dating Department of Justice (DOJ) Secretary at Senator Leila De Lima at dating DILG Secretary Mar Roxas sa kaguluhang idinulot ng implementasyon ng good conduct time allowance (GCTA) law.

watch the video here:

Ayon kay Enrile, sina De Lima at Roxas ang nasa likod ng diumano’y iregularidad sa implementing rules and regulations (IRR) ng naturang batas

Giit ng batikang senador, malinaw na nakasaad sa Section 1 ng Republic Act 10592 o ng GCTA law na hindi dapat kasama sa mga nagagawaran ng good conduct time allowance ang mga heinous crime convict.

Bagay na hindi klarong inilagay sa binuong IRR nina De Lima at Roxas.

Ito aniya ay unconstitutional at dapat ituring na void ab initio o wala nang bisa mula simula pa lamang.

Dahil dito, sinabi ni Enrile na dapat maparusahan ang dalawa ng habang buhay na diskwalipikasyon sa paghawak ng pwesto sa gobyerno.

Dagdag pa ng dating senador, sila ang may kasalanan kung bakit naging magulo ang implememtasyon ng batas at ginawang gabay lamang ito ng mga naupong BuCor chief.

Matatandaang si Enrile ang senate president nang maisabatas ang RA 10592 o ang GCTA law noong 2013, samantalang si De Lima ang DOJ secretary at si Roxas naman ang DILG secretary na gumawa ng IRR ng batas nang mga panahong iyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.