WATCH: Pangulong Duterte at Pres Xi Jinping, nananatili ang pagkakaibigan ng China at ng Pilipinas

Sa kabila ng hindi paborableng pagtugon ng China sa hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagkakapanalo ng Pilipinas sa Arbitral Court, tiniyak kapwa nina President Xi Jinping at ng Presidente na nananatili ang pagkaka-ibigan ng Pilipinas at ng China.

watch the video here:

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, bagamat may differences o magkaka-ibang pananaw at paninindigan ang dalawang lider sa iba’t ibang mga usapin, hindi naman aniya ito kumakatawan sa sumat-total ng Philippines-Chinese bilateral relationship.

Sa harap nito’y nagkasundo ani Panelo kapwa ang dalawang lider na patuloy lang na magtulungan at panatilihin ang mutual trust at good faith upang maresolba ng maayos at mapayapa ang isyu sa South China Sea.

Hindi rin aniya naka-ankla lang sa kani-kaniyang posisyon ang matagal ng pagkaka-ibigan ng dalawang bansa at sa halip, ang dapat na mangibabaw dito ay kung ano ang mabuti para sa mga tao.

Matatandaang inungkat ni Pangulong Duterte kay President Xi ang karapatan at panalo ng Pilipinas sa Arbitral Court kagabi pero muling pinanindiganan ng Chinese leader na hindi nila kinikilala ang pasya ng Arbitral Court.

Samantala, Anim na kasunduan ang nalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at ng China na kapwa sinaksihan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Kabilang dito ang agreement hinggil sa Higher Education Cooperation sa pagitan ng  Commission on Higher Education at ng Ministry of Education ng China.

Kasama rin sa nilagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) patungkol sa Science and Technology Cooperation sa pagitan ng Department of Science and Technology (DOST) at ng Ministry of Science and Technology ng China ganundin ang kasunduan hinggil sa  Cooperative Arrangement ng Bureau of Customs (BoC) at ng General Administration of Customs of China.

Pirmado rin ang Implementation Contract tungkol sa proyekto ng  China-Aid Container Inspection Equipment na agreement sa pagitan ng  BoC at ng  Ministry of Commerce.

May  Loan Facility agreement ding nilagdaan sa pagitan ng Department of Finance (DOF) at ng China International Development Cooperation Agency.

Ika-anim at huling kasunduang nilagdaan ay ang tungkol sa Credit Loan Agreement of Project Management Consultancy ng Philippine National Railways  South Long Haul Project na napirmahan sa pagitan ng Finance Department at Export-Import Bank of China.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.