WATCH: Pangulong Duterte, pinasuspinde ang operation ng PCSO dahil sa kurapsyon

watch the video here:

Pinasuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng lahat gaming activities at gambling na ang franchise at lisensya ay nagmula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito ang inanunsyo ng Pangulo sa kanyang televise message na inilabas kagabi.

Partikular na pinatitigil ng Pangulo ang lotto games, STL, Peryehan ng Bayan, KENO, at iba pa, habang nagpapatuloy aniya ang imbestigasyon.

Ayon sa Pangulo, alegasyon ng katiwalian at kurapsyon ang basehan ng kanyang kautusan.

Sinabi ng Pangulo, na simula sa araw ng Sabado (July 27) lahat ng transaksyon, gaming at wager of bets ay ikukunsiderang ilegal.

Inatasan ng Pangulo ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na tiyaking maipatutupad ang mandatong ito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.