WATCH: Sen. Go, bumuwelta sa pahayag ni Rep. Lagman ukol sa Malasakit Centers

Bukas si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa panukala ni Albay Representative Edcel Lagman na imbestigahan ng Kamara ang mga Malasakit Center sa bansa na nakikinabang sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)

watch the video here:

“If they want to investigate this, I have no objection. Para po ito sa tao kaya kung gusto nila malaman paano ito nakakatulong, welcome po sila na silipin ang operasyon ng Malasakit Center,” pahayag ni Go sa isang statement.

“Wala pong pinipili ito, para po ito sa bawat Pilipinong nangangailangan. Do not be anti-poor. Huwag po natin ipagkait ang tulong at pagmamalasakit natin sa ating mga kababayan. Pera niyo po ito, ibinabalik sa inyo sa pamamagitan ng maayos na serbisyo,” saad pa nito.

Nauna rito, sinabi ni Lagman na mas marami ang bilang ng mga nagkakasakit kaysa sa mga nabibigyan ng tulong. Magagamit umano bilang partisan tool ang Malasakit Center kaysa isang medical outlet.

Pero paglilinaw ng senador, walang partisan o political consideration sa pagbibigay ng tulong mula sa Malasakit Center.

“Walang partisan o political considerations, walang pinipili na tutulungan, hindi kailangan ng anumang endorsement letter o ID mula sa politiko,” sabi ni Go.

“Ito po ay isang solusyon ng Duterte administration para sa libu-libong Pilipino na humihingi ng tulong sa gobyerno para lang magpagamot. Pera niyo po ito, ibinabalik lang sa inyo,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa senador, ginawa ang Malasakit Center initiative para mabigyan ng mabilis, maayos at maaasahang serbisyong medikal ang lahat ng Pilipino.

“Basta Pilipino, matanda o bata, babae o lalaki, kakampi sa politika o hindi, it does not matter. Basta nangangailangan ay pwede humingi ng tulong sa mga Malasakit Center saan man sa bansa,” sabi pa ng mambabatas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.