Water projects ng pamahalaan, doble kayod para matapos agad at mutuldukan na ang kakapusan ng tubig lalo na sa NCR

Pinapaspasan na ng pamahalaan ang mga proyekto nito na may kinalaman sa water security ng bansa lalo na dito sa Metro Manila.

Sinabi ni Bases Conversion Development Authority (BCDA) CEO at President Secretary Vince Dizon na sa 12 infrastructure flagship projects ng gobyerno na may kinalaman sa tubig, kasama sa priority ng pamahalaan ang Kaliwa Dam.

Long water sustainability ani Dizon sa Metro Manila ang Kaliwa Dam project na tatapos sa nararanasang kakapusan ng tubig sa NCR kaya itinuturing na isa ito sa pinakamahalagang proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build.

Sa ngayon ay tanging sa Angat Dam nakaasa ang 97 porsiyento ng mga taga-NCR kung tubig ang pag-uusapan.

At base sa record ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng Bulacan as of September 3, 2020, nasa 179.60 meters ang water elevation ng Angat Dam na mababa na, kapos sa 180-meter minimum operating level.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.