Welcome sa DILG Vice Pres. Leni bilang co-chair ng ICAD

Welcome sa Department of the Interior and Local Government ang appointment ni Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Sa isang statement na inilabas ng DILG, nagpahayag ito ng kahandaan para asistihan ang Bise Presidente sa kanyang bagong tungkulin.

Bilang Co-Chair ng ICAD, ang Ikalawang Pangulo ay maaaring manguna at magbigay gabay sa lahat ng government agencies para matugunan ang mga layunin ng ICAD at iba pa alinsunod sa Executive Order 15.

Kabilang dito ang advocacy campaign initiatives laban sa illegal-drugs sa community level;
barangay anti-drug clearing operations;
pagtanggal ng mga tiwaling kawani sa burukrasya na sangkot  sa illegal drugs; at  community-based drug rehabilitation program.

Ang DILG kasama ang Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nanguna sa kampanya ng pagbawas sa illegal drugs kaya’t naniniwala ang ahensiya na may makabuluhang kontribusyong magagawa ang Bise Presidente.

Bukod dito, maaari din siyang makapagbigay ng mga sariwang ideya at alternatibong estratehiya sa paghawak sa anti-illegal drug campaign.

Inatasan na ng DILG ang lahat ng ahensya na nasa ilalim nito tulad ng Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology, Anti-Drug Abuse Councils, Peace and Order Councils, lahat ng local government units at iba pang attached agencies na suportahan ang Pangalawang Pangulo sa kanyang bagong tungkulin.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.