Youtube channel ng ABS-CBN News, sinuspinde ng Youtube

Iniimbestigahan na ngayon ng pamunuan ng ABS-CBN ang pagkakasuspinde ng Youtube channel ng news segment nito.

Makikita sa Youtube channel nito na, “account has been terminated for a violation of YouTube’s Terms of Service.”

Kaagad namang nagpahayag ang pamunuan nito ukol sa isyu.

“We are aware of the problem of accessing ABS-CBN News channels on YouTube. We are currently investigating this and working closely with YouTube to resolve the problem,” pahayag ng ABS-CBN.

“In the meantime, you can catch our livestreams and news reports on the TeleRadyo Channel. Thank you for your patience and understanding,” anila.

Ikinagulat din ito ng mga netizen at humihingi ng paliwanag sa Youtube sa pagkakasuspindi nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.